ratsky yucky July 5, 2008
Posted by sommer in dubai life ugh!, kwentong disyerto, rants.1 comment so far
i am a proud pinay…kahit di ko na saulado ang bagong panatang makabayan (or is it panunumpa sa watawat?… watev) proud ako. pero there comes some point na gusto ko isuka pagiging pinay ko, dahil sa kawalang hiyaan ng ibang pinoy/pinay!! nakakagigil talaga.
maganda namang gumimik dito sa dubai..karamihan ng bars na napuntahan ko pinoy ang manganganta, pinoy ang waiters, pinoy ang banda. nakakatuwa sila kasi di maiaalis sa kanila na isigaw after o before set nila “mabuhay ang mga pilipino” kahit pa majority ng tao e ibang lahi. pansin ko tanggap na ng ibang lahi na tagalog ang kanta ng mga banda..yung ibang lahi, nakikisabay pa sa pagkanta ng opm (walang kamatayang kanta ng aegis, bebot at pbb theme song)
at hindi lang singers, banda at waiters ang pilipino..pati mga pokpok dito karamihan pinay! shit!!! for reals!!!
(ang mga sumusunod na ibabahagi ko ay base sa aking naexperience mismo…bato bato sa langit!!)
nagkayayaan sa bahay nung thursday na lumabas para mag one round sa bar. RATSKY (karama) ang pinakamalapit na puntahan. first time ko pumunta dun (at itaga ko sa bato LAST time ko na ding punta dun!!!)
pagpasok pa lang sa pinto iba na agad ang aura ng lugar, bukod sa mabaho at masikip…magulo talaga sa loob. naghahanap kame ng mapupuwestuhan, ang mga hinayupak na ibang lahi tinitingnan talaga kame mula ulo hangang paa..ang iba di pa makuntento sa tingin, me mga remarks pa habang naglalakad kame..ang iba talagang nananadyang mananching na. fuck them all!!!
nung makakuha kame table, order na kame ng beer…dun talagang natakot na ako, makikita mo talagang nakatingin ang ibang lahi (indiano, pakistano, lebanese, iranian..name it) sinisipat kame at me pakindat kindat pa ang iba..yuck talaga. sinabihan kame mga datihan na sa lugar na deadmahin lang sila.
malikot mata ko, tinitingnan ko talaga mga tao(actually hinahanap ko din nearest fire exit!) ..dun ko nakita na halos lahat ng babae sa ratsky e pilipina…me maganda, me chaka…at halos lahat katable ng ibang lahi.
wala namang masama makipagkaibigan sa ibang lahi..wala namang masama makitable sa ibang lahi. pero naman…ibang usapin na yung garapalan na ang pagiging obvious na bayarin sila noh!!!
hindi naman ako tanga para di mahalata na pokpok ang mga pinay dun. we can tell naman by the way they talk, they way they move, the way they dance..at the way na hindi sila umaangal kahit ilang lalaki na humahawak ng suso nila!!!
hindi ko alam kung anong kwento ng buhay nila..kung ano mga pinagdaanan nila..kung ano rason nila..kung ano problemang personal nila bakit nila pinili kumapit sa patalim..para sa magkano? 100 dirhams isang gabi??? oo alam ko to kasi mga katabi kong pinay ang hindi discreet sa pagsabi ng presyo nila kada tanong ng ibang lahi ng “how much?”
me pinay naman sa bandang likuran ko, lakas ng tawa nung mahawakan ng ibang lahi ang suso nya (gustong gusto?), sa bandang kanan ko naman lower kung lower ang sayaw ng lola mo sa mamang wala ng ginawa kundi halikan leeg nya. at me mataray na lola..sinasayawan ng 2ng lalaki. iba pa yung mga pinay na nakaupo sa sulok, kuyakoy kung kuyakoy ng paa…tumitingin sa paligid para sa prospect nila..ayun nga, ang isa matapos ng kaunting bulungan umalis kasama ibang lahi…
haaaay, ewan ko kung nagiging pejudice lang ako, pero ilang ibang lahi na nakausap ko at ilang pinay na din nakakwentuhan ko na talagang unti unti ng nakikilala ang mga pinay dito na bayarin nga daw. ang iba kasing pinay 3 ang jowa..me jowa na tagaload, jowa na tagabayad ng upa, jowa na tagabili ng food…kapalit ng simpleng sex. at dahil makikitid utak ng ibang lahi, akala nila lahat ng pinay ganun ang gawain!!!
yun ang nakakapaginit ng dugo..ilang bilang lang ang pokpok na pinay..nadadamay na lahat. hirap sa stereotyping e. parang sa states, pag nalamang pinay ang unang tanong “nurse ka?” .sa canada, “caregiver ka?”. sa dubai, “secretarya ka?” o matindi “pokpok ka?”
di naman nating masisisi mga pinay, kasi nga sa hirap ng buhay ngayon..kapit sa patalim na talaga.
yun lang ang kwentong disyerto ko ngayon.=(
tatlong bente singko July 1, 2008
Posted by sommer in Uncategorized.4 comments
…hay ang sarap ng feeling kapag nakakausap ang mga nanay, tatay,kapatid at mga pamangkin na matagal ng di nakikita noh? parang nakakawala ng pagod.
tinawagan ako ni papi nung isang araw. nangangamusta. after mga 3 weeks sa states, nung araw lang na yun daw nagstay sa bahay si papi. kasi lagi sila nasa galaan. tanong ko kung nasaan si mader…ayun daw binigyan allowance ate ko at nag wagwag sa kapitbahay (”yun bagang tinatawag nilang garage sale daw” wika ni papi) bat kako di sya sumama? ayaw naman daw nyang magwagwag at mainit sa labas kaya sa bahay lang sya (”ala e dito na ang ako sa loob bahay, lahat ng sulok e me aircon at ang sarap magluto, de button lahat.”wika ni papi) ahhh ok. kinamusta nya ang trabaho ko, ang bahay namin, kung nakain daw ba ako ng husay, kung ok ba daw ako dito…syempre sagot ko naman ok lang naman ako dito. bigla nyang tanong “malago na ga buhok mo? gawa ng napanaginipan kita e ang haba ng buhok mo” natawa ako, sabi ko opo kasi mahal gupit dito. dami nya kwento, nagpunta na daw sila sa seaworld at kung saan saan pa…lagi daw sila shopping. tas tanong nya kung balak ko pa daw ba magapply sa hospital..sabi ko bahala na, parang nalimutan ko na pinagaralan ko..kasi daw “maganda yung makapagpatayo ka na ng sarili mong bahay kung magkakaron ka na ng sarili mong pamilya.” basta wag ko daw sila alalahanin ang gawin ko lang daw e magipon para sa sarili ko…haaaaayyyysss!!!
tinawagan ako kinabukasan ng kapatid kong bunso. sya ang nakatira ngayon sa mansyon ng tatay ko habang naglalamyerda sila ni mader dun. kasama asawa nya at pamangkin ko. nangangamusta din, pati jmj kinamusta kung magkakababy na daw ba kame!nyahahahaha! tapos di pa daw nila mapabuntisan baby girl ko, kasi di pa nireregla ulit…sabi ko sayang yun, halos 3 years old na sya, virgin pa kaya sana mabuntis na para pagkaperahan pa namin,hehehehe! tas yung panganay kong baby boy, virgin pa din daw kahit 7 years old na sya, at wala pang nabubuntis, di daw kasi marunong…bayo ng bayo di naman maishoot sa loob!! kung gusto ko daw ipabugaw ko na sila..sabi ko bahala na sila..wag lang nila pupulutanin (oooppps, sa mga bantay bata jan, easy lang…si baby courage at baby sommer ko po ang sinasabi ko)
Eto si baby sommer ko. 3 years old na pero birhen pa.hmpft!!! last na nagwalking kameng 2, kinaladkad nya akong parang basahan sa buong subdivision namin.nyahahaha!!! balita ko big big bitch na sya e. sya ang anak namin ni jmj!!…
…Eto si baby courage ko, actually di na sya baby…thunders na sya mga 7 years old..kaso birhen pa din, di kasi marunong kumanyog mambuntis mana sa ama (anak namin ni ex papa!)dati katabi ko sya magsleep sa kama kaso natakot ako kasi nung minsan inaano nya yung unan ko habang sleep kame…whaaaaa….
…ayaw naman naming pagbuntisin tong dalawa kong anak, kasi naman pitbull at shih tzu…e di naging bull shit? nyahahahah!!!….(tsaka di sila magkasundo dalawa, alam ata nilang magkaribal ang tatay nila!!nyahahahah)…
tas nakwento pa nya na ang kulitkulit na na big boy wacky (eto tunay na baby boy!), at nakausap ko nga aba ke kulit nga! maggegeneral cleaning daw sila bago kame umuwi nina ate ko sa november…sabi ko itabi na mga damit kong naiwan kasi di na ako magdadala ng damit paguwi ko. ang lukdet, pinawagwag na daw mga damit, sapatos at bags na naiwan ko…nyahahahaha!!! dami pa kwento pero ang ending nangiinggit sya na kesyo nuod daw sila laban ni pacquaio habang inom ng san mig light!!! (ahhh, malapit lapit nang masayaran nito lalamunan ko..bwahahahah!)
nung isang gabi naman ate ko ang tumawag sa akin, nagulantang ako, what is 2:30 ng madaling araw, dubai time sya tumawag. nagiwan kasi ako message sa phone nya. di kasi sinasagot ng anak nya phone nya, who just turned 8 years old. take note, 7 y/o pa lng sya nakikisleep over na sya sa bahay ng friends nya (putya, ako nga 1st time ko nagovernight sa bahay ng bestfriend ko nung graduation ng 4th year highschool..highskool demmit!!) so ayun nga, tawagan na lang daw ulit kame kung ano mga pasalubong ang hihingin ko…paawa kasi ako na mahal ang shoes, bags at make up dito.nyahahaha!
at xempre nung sunday, ang walang puknat namin chatmarathon ng 2 bestfriends ko..si ceebee at si gayle…nakaugalian na naming 3 magchat kada sunday..balitaan, gaguhan, dramahan, pikunan, tawanan at inuman online saan ka pa?hehehehe!! (oist gayle, hanggang ngayon ang pampulutan kinupit mo na!) pero lately, inaalat yung 2..lagi naddc…mahirap kumonect..hopefully next sunday kumpleto ang tropa ha?nyahahaha!!! (maligo na ang dapat maligo noh!!*wink*)
so ayun, sino lang ba ang kulang ng paramdam sa akin this week..ahhh, ang kuya ko pala…minsan nakakalimutan kong me kuya pala ako..kasi walang paramdam lagi e. nagparamdam lang nung nasabihan ni bunso na magthank you sa akin sa pakimkim ko. hay naku, sanayan lang yan..di na nakakapagtampo…charot!!!
so ayun ang kwentong disyerto ko…sa mga magulang, anak, kapatid at kaibigan jan…mas makakasarap ng feeling kung me napaligaya kayong anak, magulang, kapatid at kaibigan kahit sa pamamagitan ng isang text, email, message o call man lang. yun lang bow. kung uso pa sana ang tatlo bente singko na payphone…
malapit na ang thursday, inuman na!!!
sweet home pilipinas June 28, 2008
Posted by sommer in bitchness in me, family 3+1, nonsense, rants.8 comments
…i have been in this company for more than 1 year now (as in 1 year and 24 days!) kahit medyo tumotoxic na ang trabaho ko dito at wala pa din naman akong natututunan regarding sales, masaya ako dito..wala na siguro akong mairereklamo pwera na lang ang isang bagong empleyado na nuknukan ng epal at baho!!!
me kababaan ang sahod ko dito pero kapag naiisip ko ok na din yun kasi masaya ako dito. sobrang bait kasi mga amo ko na medyo mahirap machambahan dito sa dubai. kesa naman mataas nga ang sahod ko e bullshit naman ang amo at trabaho di ba? ilang friends na ang nagsasabi kahit malaki ang sahod kung hindi naman masaya sa trabaho, useless din. mababaw lang naman kaligayahan ko..ayaw ko naman ng soobrang dami ko pera…kasi money can’t buy happiness (errr…JOKE!!!! money can sometimes buy happiness!!!hehehe)
sa loob ng isang taon, ilang beses lang ako nagtangakang maghanap ng ibang trabaho…basta trabahong panghospital, sinusubukan kong magapply nagbabakasakaling makapasok sa ospital para naman magamit ko pinagaralan ko noh…kaso nga lang lagi na lang hindi qualified sa standards ng hospital dito ang experiences ko (dapat kasi me 6 months hospital experience dito sa middle east ang nasa cv ko, kaso wala akong ganung experience as of now…hindi ko kasi dinadaya ang cv ko.hehehehe!) at ang tanong: paano ako makakakuha ng hospital experience dito kung ayaw nila ako ihire..helllooooo, wala po sa ganda ng experiences ng cv yan, magsubukan tayo sa actual evaluation at treatment!!!ish!!!
anywho, last week medyo nawindang ang ganda ko, walang benta ang company namin ng 2 months. ang amo kong gwapitong iranian nanakot na kahit labag sa kalooban,isasara ang company kung within this month e walang benta. syempre nangarag ako…saan ako pupulutin nyan if ever magsara company di ba?(walang kankungan dito noh!)ano ginawa ko? e di gora at nagapply ako sa isang company…beauty line…in all fairness to me tinawagan naman agad ako for interview , natawagan ulit ako for final interview 2 days after. ang problema nga lang ang aking residence visa kasi nga ang daming lumalabas na law regarding visa at stay dito sa dubai (i’ll make kwento next time) kaya bothered ako ng ilang araw. kinausap ko din amo ko kung totoong isasara ang company, hindi daw, pananakot lang nya yun pero di nya igigive up company. whew!!!!! so i decided to stay with my company!!! at kasi me malaking catch din kung bakit:
uuwi ako sa pinas sa november!!! yeeeeeessssss!!!!!!
since 1 year na nga ako dito, i am entitled to a return ticket from my company!!! actually, anytime from today pede na ako paschedule ng uwi sa pinas..kaso nga lang wala pa naman sina parents sa pinas kaya wait ko na lang late this year para naman paguwi ko e andun din sila noh!!
at the good news becomes better , sabay ng paguwi nina parents e ang pagbakasyon ng ate ko sa pinas.(kasama baby of kors!) matagal tagal ko na ding hindi nakikita ate ko (what is 5 years???) at dahil hindi nga naaprovan ng us embassy ang application ko ng tourist visa sa tate(…assholes!), ate ko na lang ang uuwi sa pinas kasabay nina parents!! wooootwoooott!!!
better news becomes betterer (alam kong wlang ganitong word syet!) kasabay ko ng uwi ate ko, meaning tipid ang uwi ko.nyahahhah!!! syempre kumpara sa dirhams ko at dolyares na kinikita nya…malamang sa malamang sya ang gagastos ng mga labas namin at gimik namin sa pinas pag nagkataon!!!nyahahahaahah!!! at not to mention ang listahan ng mga pabili ko sa kanya (eeee, excited na ako sa shoes, bags, makeups na ipapabili ko…at umuungot ako either ng ds o wii…yeeessss!!!!)
betterer news becomes betterest (you getting my point ayt?), after more than 1 year, makikita, mayayakap at mahahalikan ko na ulit ang buong family ko. si papi, si mader, mga bros ko, ate ko..mga pamangkin ko, friend (na mngilan ngilan lang!!!), si sommer..lahat!!! hay kung pede lang ifast forward ko na ang mundo para maging november 25 na…haaaaaayyy!!! can’t wait shiiiiittt!!!! merely thinking about my family na finally makakasama ko na ulit sila makes me wanna cry *hikbi*
at plano ng little devil in me…ang mga naturingang “friends” ko na nakiiyak kunyari nung despedida ko (at thanksgiving party ni cb) na malamang andun lang dahil sa free booze..tae nyo!!! pag umuwi ako, kasehodang maglupasay kayo sa harap ng gate namin, di ko kayo pagbubuksan…baka ihampas ko pa pinto sa mukha nyo sa kakapalan mukha nyo…ano? kilala nyo lang ako ulit para makiambon ng pinaghirapan ko dito sa dubai???? samantalang nung in need ako ng friends na pagsasabihan ko frustrations ko dito, at nung walang humpay iyak ko dito, at halos patayin ng homesickness, wala kayo for a much needed support!!! kahit isang offline message lang masya na ako, kaso wla!! ahhhhhh, shit nyo!
(Lord, sorry po…understand nyo naman inis ko sa kanila di ba? ni hindi man lang mangamusta at magreply sa mga txt at emails ko nuon ang mga yun.hmpft!! gusto ko lang marealize nila nakasakit sila noh! balato nyo na sa akin.hehehe)
yun lang, kelangan kong mamili ng ginto..mamumudmod ako sa pinas..nyahahaha!joke!!!
jmj’s birthday countdown June 24, 2008
Posted by sommer in love is in the air.4 comments
…HAPPY BIRTHDAY ke jmj ko!!!!
…yep today is jmj’s birthday!!! how young? never mind..nyahahaha!!
actually kagabi pa lang nagsimula ang aming pre-celebration.
9 pm…binabaklas na namin ang aming tent sa labas ng bahay..bawal daw kasi!hmpft! (one of those rules na naman sa bansang ito) habang naghuhum ng “happy birthday”
mga 10 pm…mega tago ko na loob ng cabinet ang aking gift with matching paskil ng mga nude pictures ni jmj sa dingding ng kusina, banyo at sala…ang aking gift set? complete wardrome ever (pink shirt, shorts,undershirts, socks…pwera lang shoes…the works!!)
10:30…kunyaring magwiwithdraw ng allowance ang 2ng housemates ko pero ang totoo napakiusapan ko silang bumili ng ice cream cake sa baskin robins.
11:00…nuod muna kame lahat ng GKNB (putya, sayang si robie, isang sagot na lang 1Million na sana!tsk!)
11:45..pacute kong niyaya si jmj manigarilyo sa labas..kuuuu, ayaw pa sana nya buti na lang no one can resist my charm..nyahhaha!!! sa labas kinadungan ko talaga sya para di makatayo sa upuan habang sinesetup nina housemates ang cake…
12:00 mn, June 24th..pasok kame jmj sa kwarto patay na ang ilaw…tas sabay kanta ng happy birthday ke jmj ko!!:p
sabay pag open nya cabinet namin gulat sya na me gift ako sa kanya…heheheh!!
hndi pa to ang birthday bash ni jmj…1st week of july pa kasi me kadouble celebration sya e..para tipid…nyahahaha!! gusto ko lang salubungin birthday nya.
sana man lang kahit paano, umabot ang saya ni jmj sa saya ko nung binigyan nya ako surprise birthday bash!!!..dapat lang noh, malaki laki nagastos ko..nyahhhaa!!
* kainis nga lang wala akong pictures..paano di ko lam paano magunlock ng locked memory card ko…
*at kahit me picturan galore..yaw ko papix..putangna, tinubuan ako ng parang sty sa right eyelid ko (less the pus noh!) malamang dahil na din sa katamaran ko, nakaligtaan kong linisan ang aking munting baul ng kamakeupan last week…
yun lang bow!!!
parang kailan lang June 18, 2008
Posted by sommer in love is in the air, nonsense.12 comments
…27 months…ganun na pala katagal? grabe, never kong naimagine na tatagal ng ganito.
parang kelan lang, nagiisip kame ng tawagan…honey, babe, baby,pssssst, sweetie, ulul, hubby…dami naming triny kaso lahat ayaw ko kasi sa sobrang dami nyang naging gf, halos lahat ng terms of endearment e nagamit na nya…but we settled with honey…and so does half of magjojowa out there..hehehehe!!!
parang kelan lang, mega pacute kame sa isa’t isa…kilikitext to the maxx na halos mabura lahat ng letra sa keypads para itanong lang kung kumain na ba sya o ano gawa nya at telemarathon gabi gabi salamat sa digitel
parang kelan lang, nangungusap at nagkakaintindihan na ang mga mata kapag kaharap ang mga friends, ngitian na nakakaloko dahil nagbabadyang mag dutch exit at patagong hawakan ng kamay sa ilalim ng lamesa habang ang isang kamay kumakampay ng mig light
parang kelan lang, every month atat na atat magkinsenas…hindi dahil sweldo…kasi monthsary na naman. at dahil monthsary, di magkandaugaga sa pagisip ng ireregalo…buti na lang ever reliable ang girbaud, keds at ang kesyo shop…nyahahahha!!!
parang kelan lang, super hiya akong pinakilala ni jmj sa nanay nya nung 1st time akong naki”sleepover” sa bahay nila. (pucha, sinong di mahihiya? nakahiga pa ako sa kama at kagigising lang nung pinakilala ako???)
parang kelan lang, nung natanggap na ng mga kapatid ko si jmj, nilasing nila ng empoy + iced tea at chicharong chicken skin para talagang welcome to the family ang drama!!!
parang kelan lang, bumili kame ng 92.5 silver rings bago pumunta sa baclaran church tapos winisikan ng holy water ang mga singsing at sa harap ni God nangako na hindi kame magiiwanan ever at kame na forever…kinasal namin ang isa’t isa saan ka pa?!!! me kasal bang walang reception? salamat chowking, the best ang kangkong nyo. (shaddap kung baduy…love is baduy!!nyahahahah!!!)
ang aming ag rings…92.5 ag…ibays
parang kelan lang, nagkahiwalay kame ng ilang buwan pero sinundan ko sya dito sa dubai at dun na nagsimula ang problema ni jmj.nyahahahhaa!!!
sana ang relationship at marriage ay parang regular na lisensya lang noh? discretion mo kung irerenew mo o hindi na..bwahahahhaah!!!
sa dami ng pagsubok na dinaanan namin ni jmj, sa dami ng pms kasungitan ko na hindi ininda ni jmj, sa dami ng away namin ni jmj…matatag pa din naman kame kahit paano…siguro nga kahit pa 10 o 20 o 30 years na magkasama o magasawa ang dalawang tao..talagang di matatapos ang adjustment stage…talagang me room pa for improvement at me madididsvover pang “bago” sa partner.
parang ako, kahit 27 months na kame at more than 1 year ng 24/7 magkasama…nadiscover kong super haba ng pisi ng pasensya ni jmj. ako aminado, di ko kayang maging girlfriend ang katulad ko..masungit, taklesa, maingay…pero si jmj kaya nya nya ako ipacify. nadiscover ko mga weakness nya(na mejo madami dami pala). nakadjust na ako sa tunog ng utot nya at gumigising ng mukha nya at hininga nya unang bumubulaga sa akin. me mga times na parang gusto ko ng gumiv up at umuwi sa bahay namin kaso andun pa din yung love kaya willing pa ding magstay to work things out at magcompromise.
yup, sa magkaibigan , magjowa at magasawa…dapat talaga marunong magcompromise ang 2. andun na ang trust, respect at commitment.
di naman sa nagmamagaling ako pero i’ve been through a lot…kaya nga ngayon, im trying to be a better person parang magingbetter if not kahit good gf.
so, we thought it’s proper to renew our vows. at talagang compromise to meet each other’s expectations. so what better way to renew our commitment? new rings of course!!bwahahaha!
dinala ko sya sa cartier shop sa me emirates tower…para dun kame pili ng singsing…asikasong asikaso kame dun, pinaupo pa at hinarapan ng singsing…literal na nalaglag ang panga naming 2…4000 dirhams ang pinakamura.nyahahahaha!!! 2klang ang budget for each ring (alangang isa lang magsuot ng singing) kumaripas kame takbo na bahag ang buntot palabas sa shop.nyahahahha!
di na namin ninais pang dumaan sa ibang shops dun. pero nung pauwi na kame nadaan kame sa isang jewelry shop (talagang madadaan kame kasi ang damiiiiiing nagtitinda alahas dito!!) me nakita kameng custome made na bvlgari rings..saktong sakto ang mga sukat sa amin…not bad sa 1170 dirhams (papatak ng 14k pesos)…so ayun, me bago kame singsing, me dagdag investment na din ako…baka sakaling kailanganin kong magsangla pag naubos na pocket money ko paguwi sa pinas next year.hehehehe!!!
pagnakapagipon na kame ng malaki, tsaka na kame bibili cartier..or better yet, i’ll make sure na sa tunay na kasal namin..cartier na ang wedding ring namin…nyahahaha!!!
yun lang ang pagtatapos mahabang nonsense na kwento.
happy 27th monthsary to me…shot na!!!
am i having an affair???? June 12, 2008
Posted by sommer in bitchness in me, butchness in me, ex lover, nonsense.2 comments
…yes, i am having an affair!!!
jmj and i have been together for 2 years and 4 months (5 months na pala sa 15th). nakakaumay na ang kwentong lovelife namin. not unusual naman ang set up namin…girl meets girl (?) nyahahahha!
pero these past few weeks, parang me nagiiba sa akin…(hormones?)…nabanggit ko na nga na dahil sa over familiarity at close proximity namin, e nawawalan na kame ni jmj ng individualism. ang kanya e sa akin, ang sa akin e kanya din…nakakasuya..wala ng thrill di ba? parang so-so na lang ang relationship namin. kulang na lang maging kambal tuko kame.
dati pag tinanong ako pag love ko sya palaging sagot ko “HELL YEAH!!!” ngayon pag tinanong ako ang sagot ko na “oo naman, PERO…” masama ba akong girlfriend pag ganun? o hindi lang talaga ako sanay sa gantong set up?
affair? pag sinabing affair, hindi naman ibig sabihin e me kinakakita akong ibang girl..o boy..o yung nakikisiping ako sa iba… kasi ang affair ko is only in my dreams!!! yep, sa panaginip lang…ewan ko ba…apparition ba ito? kasi ilang arw ko ng napapanaginipan ang kaisa isa kong ex…
at hindi lang simpleng panaginip mind you..talagang the works!!!! yung tipong susunduin nya ako sa bahay, makikipaghuntahan sa tatay ko, nuod kame sine, hhwwpssp, kain sa labas, check in sa hotel, cuddle ever, derby galore, kain ulit tas iuuwi na nya ako, makikipaghuntahan sa tatay at nanay ko na parang walang nangyari sa amin…nyahahhha!!! parang yung dati naming gawain. ganun ang panaginip ko ngayon.
kung hindi ganun, ang set up naman e kumakain kame 2 pero kasama ang asawa at anak nya…pero super sweet pa din kame at friends kame ng wifey nya!! WTF???
…whaaaaaa ano ibig sabihin nito??? bakit ganito? ok! ok! hindi naman super everyday na ganito…merong gabi na wala ako panaginip kasi pagod buong pagkatao ko, pero the point is me ilang ulit na ganto panaginip ko..huhuhuhehehehe (pansin mo,umiyak pero natatawa naman kasi kinikilig kahit paano!!nyahahaha!)
isa lang maisip kong reason e..malapit na akong umuwi pinas (next feb na..bwahahaha lapit na daw!!)…at kung sakaling magpapalit ng trabaho si jmj anytime this year, di sya makakasama umuwi sa pinas.e si gaga laging sinasabi sa akin na baka magkita kame ni ex papa sa pinas pag di sya kasama umuwi..kaya ganun,siguro inentertain ko naman ang thought na magkikita kame ni ex papa. pero wala naman ako balak makipagkita e. kasi naman ayaw ko namang manira ng isang pamilya noh, tsaka ayaw kong lalo magkasala…ayaw ko n ng karma. ang hindi kasi maintindihan ni jmj, exes can be fu*king friends naman e. srsly, exes can be friends.
so yun, half of me gusto matulog maaga para ituloy panaginip ko..the other half gusto pa ding matulog maaga baka me bagong position eksena sa panaginip ko. haaaaay!!!
to jmj, sorry for my infidelity…pero wala naman akong kasalanan e, wala naman akong ginagawa, i can’t help it kung managinip ako at gustuhin ko mang maging honest sayo all througout..hindi pede kasi di mo maiintindihan na magkaibigan na lang kame…
mamaya kaya ano ang dream k??? cant wait *kilig*
free will-y??? June 5, 2008
Posted by sommer in butchness in me, nonsense, rants, tama na yan.8 comments
...free will..ano nga ba to? libre ba to? lahat ba tayo meron nito? ano ba ang nasasakop ng free will na to? karapatan ba nating ipaglaban ang free will natin? me karapatan ba ang ibang tao ipagkait ito sa iba?
actually hindi ko alam ang kasagutan sa napakasimpleng tanong na to. ang alam ko lang dapat nating gamiting mabuti ang free will natin dahil bigay sa atin to…lahat tayo meron nito..nasa sa atin na kung paano natin gagamitin to at dapat tanggap natin ang kahihinatnan ng ating free will.
ang alam ko din maraming aspeto ang free will…andyan ang religion, scientific at cultural.
ang tanong ko:
ang pagiging bakla at tomboy ba e kasama sa pribelihiyo ng ating free will? at kung yun nga ang napili nating buhay at sa iba ay hindi naman talaga kagustuhan, sino ang mga taong me karapatang alisin ito sa atin o me karapatan nga ba ang ibang taong alisin ito sa isang tao? pede bang ipagkait ng ibang tao sa isang tao ang napiling sexuality?
ano nga ba hinihimutok ng butse ko at napakahaba ng nonsense na intro ko?
simple: fuck dubai laws!!!
oo nga at dayuhan kame sa lugar na to, isa itong arab country, me sarili silang mundo batas na dapat sundin lalo na naming mga pinoy kasi salta lang kame dito. pero deym, di na makatao ang mga ibang batas nila.
open sa mga pinoy dito ang kwentong mahilig mamakla ang mga local ng bansang to. yung iba bayaran, yung iba hindi. wala pa akong naririnig na kwentong 1st hand,puro kwento ng kaibigan at kakilala. kung mahilig sila mamakla, bat ngayon mainit ang mata ng mga pulis patola sa 3rd sex? ilang kaso ang narinig kong hinuhuli at kinulong na mga bakla.
yung isang katrabaho ng friend ko, mahaba ang buhok at ahit ang kilay, tinanong ng pulis ang identification card, lalaki sa picture…kinulong. ang isa pa, although kasalanan nya kasi sa wash room pambabae sya umihi, hinuli ng pulis at kinulong… hanggang ngayon, 10 days na nakakulong pa din. madami daw silang nakakulong ngayon.
|
|
|||||
|
|
|||||
|
di lang ang mga bakla ang nawiwindang ngayon, pati mundo ng katomboyan. syempre damay damay na yan. kaya nga karamihan kakilala kong tomboy, hindi na nagpapakatotoo sa sarili nila…nagmamakeup na sila at mahinhin ng kumilos ang ilan sa kanila para di mapagdiskitahan mga pulis (yes, jmj included!ish!)
Women get jail and deportation for kissing on Dubai public beach |
|
By Bassam Za’za’, Staff reporter |
|
Dubai: Two women who were standing trial for kissing and cuddling on a public beach have been sentenced to one a month prison term followed by deportation. The women, a 30-year-old Lebanese visitor and 36-year-old Bulgarian employee, had pleaded not guilty to kissing, cuddling and sleeping on each other like a married couple before the Dubai Court of Misdemeanour. The Public Prosecution charged the girls with kissing, groping each other and indecently gesturing in public. Initial interrogations revealed that the two women were spotted being intimate together on a public beach between Sharjah and Dubai. Witnesses claimed that they saw the Lebanese woman sleeping over the Bulgarian and the two were cuddling. |
kung sabagay, hindi din naman natin masisisi ang gobyerno. yung ibang kabayan naman kasi (at ibang lahi syempre) natin mga pasaway. palibhasa isa ang dubai sa “open” na bansa, aba e umaabuso na. parang naunang halimbawa sa taas..kundangan ba naman kasing shunga at sa cr pambabae umihi? e d huli?
pero ang punto ko lang bakit aabot sa puntong huhuliin mga nakitang astig na babae o mahinhing lalaking naglalakad? kaya ayan, pag naglalakad kme ngayon ni jmj, mega kembot ang lukaret at me kashare na ako sa makeup ngayon.ish!!!
at akala namin yun na ang pagbabago dito, hindi din pala…sa ibang lugar dito…bawal na manigarilyo kahit saan…at ang balibalita malapi ng pmunta sa dubai ang smoking ban..anank ng tinapa…ano pa sususnod nilang ibabawal dito? huminga?????
kaya eto…kesa lagi akong mabadtrip sa balitang middle east, mega hanap na talaga ako ng malilipatang bansa…goodluck naman di ba?
|
|||||||
ala e, nasa isteyts na ga? June 3, 2008
Posted by sommer in family 3+1, nonsense, rants.6 comments
…its been a while since my last entry. hindi naman dahil sa pagod ako o dahil sa busy ako o wala ako maisulat kaya di ako blog lately. wala lang talaga ako gana. i think i’ll delete na lang my blog, kaso sayang naman.
last wednesday, may 28th, was my mother’s birthday…so we knoes! my mother had been celebrating her birthday on this day for the past 61 years…yun pala hindi ito tunay nyang birthday!nyahahah! july 7th happens to be her tunay na birthday, so come july 7th, my mother is 1 year old (technically that is!hehehe!)..at more good news, she’s 1 year younger pa pala….she had always been born 1947…1948 pala…so again, technically, -1 year old pa sya..tama ba? (huh?ok, ok…nonsense na!)
napagalaman lang namin ang misteryong ito nung kumuha ng pasaporte ang ina ko at ama ko. actually 3rd time na kumuha ni mother ng passport, using different aliases (if you know what i mean.*wink*) so now that they need legit passports..ayun nga lumabas ang tunay na birthdate ni mader.
si papi ko, virgin sa pagkuha ng passport…hindi ko pala sya tunay na ama!!! renato ang kinalakhan kong pangalan ng tatay ko..ano ba at reYnato pala ang tunay nyang name? nyahahahah!! ONLI IN DA PILIPINS!!!
anywho, kaya sila kumuha pasaporte kasi me ROI na sila..or also known as Return Of Investment.hehehe! kinuha na sila ng ate ko para makapagbakasyon sa states for 6 months. dream ng parents ko lalo na ni mader makatapak sa states..so nung may 26th, unang langhap nina parents ng hanging isteytsayd.nyahahaha!
gustong gusto ko makasama sina mader, papi at sister bear dun..kaso paano? wala akong visa. hindi ganun kadali kumuha ng visa…ish!!! i was denied of tourist visa going to the states due to lack of economic, social and family ties. 4 months pa lang residence visa ko, dapat minimum of 1 year daw! walang tatak ng australia o canada passport ko! either that or racist mga consul thinking that magttnt lang ako dun..palibhasa pinay ako?whaaaaa!!!
i swear pag ako naging consul, ipapasa ko lahat…multiple visa agad!nyahahah!!!
in any consolation, natutuwa ako kasi nageenjoy sina papi at mader dun. just hope hindi sila mabato dun. lalo na si papi na naiwan lahat ng kainuman (yes, alcoholism is hereditary!hehehe!) sa pinas. at si mader naiwan ang hobby nya..ang weteng sa palengke (aminiiiiin talamak pa din talaga ang weteng!hehehehe!) pero i doubt that…ngayon pa nga lang more na ang kwento ni papi sa mga adventures nya dun..especially pakikipagusap nya sa mga amerikano.nyahahha!!! kwidaw, english na nya ako kausapin! for reals!(pero andun pa din ang punto ng isang full blooded batangueno!) at si mader enjoy kasi shopping galore silang 3 ni sister bear at equally kabitchness kong pamangkin.(shopping for herself and me of course!) whaaaaaaa!!! kasama sana ako sa girls bonding nila.*hikbi*
basta ang alam ko lang, februaury will be my qt (quality time!) with my parents!!
to atong and pining, see you next year…enjoy your vacation! love you!!
to ink or not to ink??? May 25, 2008
Posted by sommer in Uncategorized.7 comments
i have always been fascinated with tattoos and peeps with ink for as long as i remember. i lurve miami ink!!! though i don’t have a single tat!!(boohoo!). my parents would kill me if ever i had one. no one in my family does. simpleng ear piercing nga lang sa upper lobe ko, napagalitan na ako ni papi ko…tattoo pa kaya?
pero not all ink i like…bato bato sa langit ang tamaan, pasensya na…pero i hate and ultimately dislike:
1) mga cartoon characters na tattoo!!! just imagine yourself, 50 years from now with a tweety bird/tazmanian/bugs bunny/hello kitty tattoo on your shoulder blade??? eeewwww!!! si lola me tweety bird tattoo? nyahahha!! (ok, i give in ke betty boop…classic e!)
ex: kasabay ng pagkulubot ng balat ang pagkulubot ng patweetums na tattoo!! 
2) mga bara-barang tattoo..yung parang gawa lang ng lasing sa kanto. tattoo na ni hindi pinagisipan, hindi pinaghandaan at hindi man lang ginawan ng draft for crying out loud!!!…tira lang ng tira (buti kung henna lang at 2 weeks na pagsisisi lang!) eeewww!! parang yung mga tattoo na barb wire sa me wrist na tabingi naman at hindi pa natapos. (dala din ng kalasingan!)
ex: o di ba parang gawa lang ng manginginom sa kanto gamit e pental pen. 
3) mga halo halong tattoo…yung bang walang ayos, hindi organized. kung anong tattoo maisipang ipalagay, ilalagay tapos kapag pinagtabi tabi mo makakagawa ka ng nakakatawang kwento. tipong me agila sa tabi ng unggoy na nasa ilalim ng tulay sa tabi ng pulis na me hawak bungo at baril na me rosas nakapalibot.hmpft!
ex: nyahahha!! bat di pa pinalagay si jarjar binks para kumpleto cast?
4) mga initials, at ang matindi buong pangalan ng current boyfrend o gerlfrend!! pinaka stoopid talaga…andun na ako na mahal na mahal nyo isa’t isa at para me pruweba ng pagiibigan e ipatattoo ang initials o pangalan… pero paano kung (na wag nga naman sana) bigla kayo maghihiwalay? paano ang mga tattoo??? gawan ng remedyo natural, pero paano kung walang magawang remedyo? e d plantsahin?? (uuy, madami akong kilalang me ganto!hehehe!)
ex: ibang example to, in loving memory nga naman kaso sana since me picture naman pinilit kopyahing maigi ang mukha ni misis.hmp! baka kahit sa kabvilang buhay di na mapakali si misis sa pangit pagkakagawa mukha nya noh!
5) mga pinagsisisihang tattoo!! yung bang nung planning stage ng design e ang dami daming magagandang suggestions, pero ang napili pang design e yung talagang pagsisisihan mo habang buhay. kagaya halimbawa ng langaW o kaya bungo sa ibabaw ng mukha!!! permanente na yun kaya sana naman pagisipang mabuti ang ipalalagay! i must admit, si jmj e me gatong klaseng tattoo na pinagsisissihan na lalong pumangit nung pinapaalis na nya pero di natapos lahat ng session. haaay!
ex: ano kayang feeling lagi na lang me pumapalo sa tattoo mo at pilit binibugaw ang langaw?nyahahah!!
6) yung nagreegreen na ang ink…parang kilay na tattoo yan e..kapag nagtatagal na, nagreegreen na..dapat naman iretouch na..kaya nga dapat maganda ang design na napili at di pinagsisihan para me ganang iparetouch! lalo na sa mga de kulay na tattoo, pangit pag nagfafade na e. parang lumang polo na kupas na ang dating ng balat mo noh!
ex: kasehodang maliit yan, sana naman iparetouch para di mukhang inaamag noh! 
7) mga letterings na tattoo..lalo na pag wrong spelling pa. o kaya uber nonsense ang mga nakasulat..tipong “sommer was here!” nyahahha!!!
ex: sana kasi dinouble check muna ang spelling bago tinira ng ink noh! 
mga tattoo ng frats!! na habang buhay pagsisisihan lalo kapag hindi na makapaghanap buhay ng marangal kung gusto ng magbagong buhay dahil me “tatak” na sila at stereotyped ng walang magandang gagawin sa buhay!
ex: takot akong maglagay tattoo ng mga frats e!nyahahah!!
9) mga tattoo na kung titingnan mo nakakatawa at witty ang dating..pero hindi naman naipagmamalaki kasi di bagay sa lahat ng okasyon! at once na natawa ko na, hindi ka na ulit matatawa after ilang kita mo. b-o-r-i-n-g na!
ex:
..holdaitotaasang kamay!
…ultimate ladies’ man?
…mow my lawn?
…tickle the monkey!!
10) monster/devils/death tattoos…helllooo!! matatakutin ako, alangang mafeel ko ang mga nakakatakot na tattoo!!! nyahahha!!
ex: baka balatan ko ng buhay si jmj kung me ganto syang tattoo na gabi gabi ko katabi!!ugh!! 
images from asylum.com
sabagay, kanya kanya trip lang yan (bakit ko nga ba pinakikialaman mga trip nila?) ang akin lang, since permanente na mga tattoo…dapat before having your tattoo..think things over (design especially) over thousand times!!
kung sakaling me guts na akong magpatattoo, at kaya ko ng lunukin lahat ng sermon ng tatay at nanay ko gusto ko syempre (at matagal kong ng pinagisipan).. ke ami ng miami ink ako magpapauna!!! masakit yun e!
me naisip na akong design actually. either koi fish sa buong thigh ko or falling cherry blossoms sa buong likod ko or bith koi and cherry blossom tattoo!!! whaaaa, me want one now!!!
KOI i heart talaga!! swerte sya e..plus ganda design!
or
CHERRY BLOSSOM tattoo..which brings goodluck din daw!!
or
KOI and CHERRY BLOSSOM tattoo in one!! doble dobleng goodluck!!
hmmm, i already spoke to one kabayan, me pinsan daw syang magaling at expert gumawa tatoo, canvass ko muna kung magkano ang rate at check ko muna mga finished products nya..pag ok BAKA magpalagay na ako..since far out pag sa miami ink ako patatto..baka naman kulubot na balat ko bago pa ako magkapunta ke mi.hmpft! hmmm, or depende, baka machicken ako magpatatoo..nyahaha!!!
tandandanan…tandandanan May 17, 2008
Posted by sommer in butchness in me, nonsense, rants.8 comments
…ahhh, it’s every girl’s dream to walk down the aisle. right? right!
sabi ko nuon, i will get married to the right person..who wouldn’t want to marry the love of your life di ba? kala ko nga nuon nakita ko na ang mapapangasawa ko, kaso sa iba kinasal e.hehehe!
sabi ko nuon, marrying age ko is at 28-30 years old…not too young, not too gurangis naman, at siguradong super stable na ako financially at contented na ako sa career ko at umaandar pa ang bahay bata ko.
sabi ko nuon, i will not get married for the sole reason that i am preggers. yaw ko nga magwalk down the aisle na manas na ang ilong ko noh!
sabi ko nuon, people will get envious of my wedding…wedding of the millenium ang balak ko…hindi dahil bongga at magastos..kasi super saya lahat ng tao, super memorable lahat at super happy ako sa wedding marriage ko.
sabi ko nuon, sisisguraduhin kong iiyak ang groom pag nakita na nya akong naglalakad papunta sa kanya, at ang parents ko na maghahatid sa akin sa altar e hindi iiyak, dahil alam naman nilang i will be in good hands.
nuon yun..lahat yan ngayon sa remote memory ko na lang.;(
why? i can’t get married..that’s why!!!
i am 29 years old (there i’ve said it), not preggers (damn wish i was), not stable career wise (therefore di pa stable financially) people will not be happy if ever i will get married (especially my parents who i think is not ready to give me away to another girl!hehehe!) at ang pinakamalaking obstacle…it is not legit for gays and lesbians to marry sa pinas.
sucks for us!! thats why, our plan is to move out of dubai, settle in canada or australia..where it is legal for gays and lesbians to marry! or punta sa states di ba?
bummer!!!
anywho, good news to all gays and lesbians in california!!!
Californias’s supreme court overturned the ban on gay and lesbian marriage.
buti pa sa kanila legal na ang gay marriage. hay i wish dito din sa dubai o sa pinas! charot!!!
kaya nga nainggit ako sobra sa announcement ni ellen that she’s getting married na!!! i cried too!!! good for her and portia…
who knows maybe someday, ill be announcing my wedding na din dito.nyahahaha!! suntok sa buwan!!!












